Showing posts with label tao. Show all posts

Ang mga Unang Tao (Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng Tao)  

Posted by hekasi-naman in , , ,


by:
Jemalene dela Torre

ANG EBOLUSYON NG TAO

Charles Darwin: Origin of the Species; ang tao'y di basta-bastang sumulpot kundi unti-unting dumating sa kasalukuyan niyang kalagayan at hitsura; unang nagbigay ng ebidensyang nagpatunay dito; maraming tao ang di naniwala dito dahil labag daw ito sa istorya ni Adan at Eva. Humanap ang mga siyentipiko ng ebidensiya upang mapatunayan ang teorya ni Darwin.

Noong ika-19 dantaon, naging masigasig ang mga tao sa pagtuklas sa kanilang pinagmulan

Leakey (Louis, Mary, Richard): nakatuklas sa mga labi sa Aprika

Ang mga uri ng tao ayon kay Charles Darwin

Australopithecus (bakulaw na Taga-timog): pangalang binigay sa uri ng unang tao

· Africanus: matulis ngipin, karne, di-tuwid katawan sa paglakad, kasangkapang bato't buto, kaunting noo, maliit at payat kaysa sa robustus

· Robustus: gulay, lumalakad nang patayo subalit di tuwid, walang noo, walang kagamitan, nakatira sa kagubatan, masmalaki sa africanus

Cro-Magnon: masmalaking utak kaysa sa atin, matangkad(6talampakan), malalaki ang katawan

Carl Sagan: malaki man ang katawan nila, nandito pa rin tayo dahil sa ating abilidad

Neanderthal: malapat at makapal ang bungo sapagkat higit na malaki ang laman nitong utak kaysa karaniwang tao ngayon

Homo Habilis: mataas noo, karne't gulay,

lakad patayo't tuwid, kasangkapang bato,

nagtayo ng tirahan, higit na malaking utak kaysa Australopithecus, namuhay bilang pangkat

Homo Erectus: Mataas noo, karne, gulay, nakatayo sa paglakad, iba't ibang tirahan, kagamitan, apoy, di-kataasan, napakalagalag, nagbiyahe sa Heidelberg, Beijing at Java; Taong Peking, Taong Java

Homo sapiens: mataas noo, karne't gulay, nakatayo paglakad, tuwid, saan-saan nakatira, kasangkapang bato, metal etc.


Isinasaad ng teorya ito na ang buhay sa daigdig ay nagmula sa simpleng selyula. Mula rito, ang iba't ibang anyo ng buhay (life-forms) ay nagbago at dumami sa iba't ibang kaparaanan sa paglipas ng panahon.

Sa ibang salita, ang mga simpleng organismo ay nagbigay-daan sa pglitaw ng iba't ibng uri ng higit na maslimuot na organismo makaraan ang libo o milyong taon ng pagbabago o ebolusyon. Halimbawa, ang tAi at ang gorilya ay sinasabi ng mga siyentipiko na nagmula sa iisang ninuno. Isa ngang inaatupang ng mga siyentista ang pagtuklas sa ninunong ito gayundin ang mga pgbabago nto hanggang sa maging modernong tao.

Unang lumabas ang paniniwla ukol sa ebolusyon sa librong isinulat ni Charles Darwin noong 1859 na may pamagat na "On the origin of species by Means of Natural Selection." Naging mabilis ang pagsikat ng teoryang ebolusyon dahil sa magandang pagkakabalangkas at kapani-paniwalang datos. Maraming siyentista ang nahikayat sa pag-aaral ni Darwin kaya tinanggap ito bilang isang mhalgang teorya ukol sa pinagmulan ng tao.


Ang ebolusyon ay paniniwala na ang lahat ng bagay ay galing sa cell sa isang dahan-dahang proseso.

Ebolusyon ng Tao (Mga Uri ng Homo)  

Posted by hekasi-naman in , , , , , , , ,


by: Kit Levi Servan



MGA URI NG HOMO


Habilis At Erectus: Ang ‘Mala-Tao’ At ‘Halos Tao Na’
The Theory of Evolution: The Hominids
PUTÓL-PUTÓL at pabiglâ-biglâ man, nababakás rin namán ang landás ng Pagbabago (Evolution) mulâ sa mga unang unggóy na mala-tao (australopithecus) hanggáng sa mga kasalukuyang tao (modern humans). Ang paglakí ng utak at katawan. Ang pagliít ng ipin. Ang pagkinis at pagnipís ng mga butó. Ang pagdami ng mga gamit (tools) at pagkabihasà sa paggawâ at paggamit ng mga itó. Sa kabilâ nitó, hindî malinaw kung saán natapos ang hulíng bakulaw at nagsimulâ ang unang tao. Pinagtatalunan pa ang sangá, punò at dulo mulâ bakulaw hanggáng tao, ang kamag-anakán (phylogeny, family tree) ng sangkatauhan (humanity).
Ang mga ‘Homonid’ namán, kaibá pa rin subalit maituturing nang halos-tao. Anak-anakán ba silá sa ‘Afarensis’ o ng ‘Africanus’? O ng ibáng ‘Australopithecus’ na hindî pa natutuklás? Maaarì, batay sa untî ng katibayang naipon, na walâ kahit isá sa mga kilaláng unggóy na mala-tao ang ninunò natin. Marami pang naungkát na mga kalansáy nitóng nakaraáng 10 taón. Sa ngayón, baha-bahagì ng mahigít 1,000 nilaláng - bakulaw, mala-tao, at tao - ang natuklás na. Ang ibáng bagong-hukay ay maniwaring mga tanging kaurián (species) - hindî pa napapag-ayunan. Hindî pa rin mawarì kung may ugnáy silá sa tao o walâ. Sang-ayon halos lahát na ang ‘Robustus’ at ang mga katulad o kamag-anak na ‘Boisei’ at ‘Aethiopicus’ ay waláng ugnáy sa tao, isáng sangá ng kamag-anakán na naputol at naglahò nang waláng sumunód (extinct). Subalit hindî pa malinaw kung ang mga natuklasáng halos-tao gaya ng Java Man at ng Neandertal ay may ugnáy sa kasalukuyang tao o, gaya ng sawíng ‘Robustus,’ silá ay mga sangá-sangáng naglahò nang waláng katuturán.




Ebolusyong Kultural ng Tao  

Posted by hekasi-naman in , ,


by: Gavrielle Anne Fontanilla