by: Kit Levi Servan
Heograpiya ang tawag sa agham ng mga lokasyon ng mundo. Nakapokus ito sa distribusyon ng likas na yaman at mga tao sa ibabaw ng lupa.
Ang salitang heograpiya ay mula sa salitang Kastilang geografía. Nag-ugat ito sa mga salitang Griyegong γη gi (‘daigdig’) at γράφειν gráfein (‘isulat’ o ‘ilarawan’).
Ang kontinente (kilala rin bilang lupalop), ay ang pinakamalaking uri ng anyong lupa. Sa daigdig, ang mga ito ay binubuo ng magkakaratig na bansa na kadalasan ay nasusukat at naitatangi dahil sa kanilang kultura, tradisyon, at teritoryo.
Ang mga kontinente ng daigdig ay ang mga sumusunod:
• Asya
• Europa o Yuropa
• Africa
• Australia o Oceania
• Hilagang Amerika
• Timog Amerika
• Antartica o Antartika
Ang planetang Daigdig[1] ay ang pangatlong planeta mula sa Araw. Ito ang pinakamalaking planetang terestriyal ng sistemang solar. Kumpirmado ng makabagong agham na ang Daigdig lamang ang katawang pamplaneta kung saan maaaring tumira ang mga buhay na organismo tulad ng mga hayop at halaman.
Ang lupa ng daigdig ay nahahati sa pitong malalaking kontinente. Sinasabing nagmula sa isang malaking kontinente ang pito. At dahil sa mga sakuna at mga pagbabago sa klima,nagkawatak-watak ang mga lupa at nabuo ang kasalukuyang anyo ng mga kontinente sa daigdig. May iba't ibang anyo ang lupa sa daigdig. Nariyan ang bundok, bulkan, kapatagan, talampas, tangway, burol, lambak at mga isla.
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang na ikatlong bahagi ng mundo. May sukat itong 43,810,582 km² o 17,159,995 milya kuwadrado (mi2). Ito ay nahihiwalay sa Europa sa pamamagitan ng isang makinaryang libu-libong linya and dumadaan buhat sa Bundok Ural patungong Dagat Caspian, Bulubundukin ng Caucasus at sa Dagat Itim (Black Sea). Ang hangganang naghahati sa Africa at Asya ay ang Suez Canal at ang hangganan sa pagitan ng Hilagang Amerika At Asya ay ang Bering Strait. Sa hilaga ng Asya ay ang Karagatang Artik at sa timog nito, ang Karagatang Indian. Ang Karagatang Pasipiko ang nasa silangan ng Asya at sa kanluran nito matatagpuan ang Bundok Ural, Dagat Caspian, Dagat Itim at Dagat Aegean.
Ang Asya (Ingles: Asia) ay ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo at tinaguriang isa sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at paniniwala ng mga tao sa daigdig nating ito.Ilan sa mga kilalang kabihasnan na nagmula dito sa Asya ay ang kabihasnang Tsina,India,Mesapotamia,Persia at kabihasnang aramaiko na may dalawang sangay-ang Israel at arabo.Ang Asya ay may kabuoang sukat na 17,159,995 milya kuwadrado sa lawak ng lupaing nasasaklawan at dito rin matatagpuan ang karagatang INDIA, dagat ng timog tsina,bahagi ng karagatang PASIFIKO at karagatang ARTIKO.Ang Europa ang kadikit nitong continente na pinaghiwalay lang ng mga hangganan ng kabundukan ng URAL, Dagat ng caspia,Itim na dagat at ng kabundukan ng Cawkasus.Ang Suez Canal naman ang siyang hangganan nito bago dumating sa bansang egipto ng continenteng africa .Sa dami ng mga pangkat ng lahi ng mga tao,ang ASYA pa rin ang nangunguna at patuloy na yumayabong sa paglabas nito patungo sa iba pang mga bansa at pagdagsa din dito ng mga ibang lahi ng tao mula sa continente ng Europa,Amerika at Afrika.
Ang Europa o Yuropa (Pranses at Inggles: Europe) ay isang kontinente na bumubuo ng kanlurang bahagi ng superkontinente ng Eurasia. Pinalilubutan ang Europa ng Karagatang Artiko sa hilaga, ng Karagatang Atlantiko sa kanluran, ng Dagat Mediteraneo at Dagat Itim sa timog, at ng Kabundukang Ural sa silangan.
Kung pagbabatayan ang lawak, ikalawang pinakamaliit na kontinente ang Europa na may lawak na 10,400,000 km², mas malawak nang kaunti sa Australia.
Kung pagbabatayan ang populasyon, ito ang ikatlong pinakamalaking kontinente kasunod ng Asya at Africa. Tinatayang 666,498,000 ang populasyon ng Europa noong 2000, halos ikapitong bahagi ng populasyon ng mundo.
MGA BANSA SA EUROPA
Albanya • Alemanya • Andorra • Armenia2 • Austria • Azerbaijan1 • Belarus • Belgium • Bosnia and Herzegovina • Bulgaria • Croatia • Cyprus2 • Czech Republic • Dinamarka3 • Estonia • Espanya1 • Georgia1 • Gresya1 • Hungary • Iceland • Irlanda • Italya3 • Kazakhstan1 • Latvia • Liechtenstein • Lithuania • Luxembourg • Republic of Macedonia • Malta • Moldova • Monaco • Montenegro • Noruwega3 • Olanda3 • Pinlandiya • Polonya • Portugal3 • Pransya1 • Rumanya • Rusya1 • San Marino • Serbia • Slovakia • Slovenia • Suwesya • Switzerland • Turkiya1 • Ukraine • United Kingdom3 • Vatican City
NORTH AMERICA
Ang Hilagang America ay isang kontinente sa hilagang hemisperyo ng Daigdig at halos na nasa kanlurang hemisperyo. Napapaligiran ito ng Karagatang Artiko sa hilaga, Hilagang Karagatang Atlantiko sa silangan, Dagat Caribbean sa timog-silangan, at Hilagang Karagatang Pasipiko sa timog at kanluran. Nasa 24,500,000 km² (9,460,000 sq mi) ang sakop nito, o nasa 4.8% ng ibabaw na bahagi ng planeta. Noong Hulyo 2002, tinatayang mahigit sa 514,600,000 ang populasyon nito. Ang Hilagang Amerika ang ikatlo sa pinakamalaking kontinente ayon sa sakop, pagkatapos ng Asya at Aprika, at ika-apat na pinakamalaki ayon sa populasyon, pagkatapos ng Asya, Aprika at Europa.
Ang Estados Unidos ng Amerika (Mga Nagkakaisang Estado ng Amerika o USA)—na tinutukoy ding bilang Estados Unidos (US), Amerika, o Isteyts—ay isang republikang federal ng limampung estado, na ang karamihan ay matatagpuan sa gitnang Hilagang Amerika. Ang US ay may tatlong lupang hangganan, dalawa sa Canada at isa sa Mehiko at ang iba ay pinaliligiran naman ng Karagatang Pasipiko, Dagat Bering, Karagatang Artiko, at ng Karagatang Atlantiko. Sa 50 mga estado nito, mayroong dalawa, ang Alaska at Hawai‘i, na hindi karatig ng mga natitirang apatnapu’t walo, ni hindi mismo karatig ng isa’t isa. Mayroon ding koleksyon ng mga distrito, teritoryo at pagmamay-ari ang US sa buong mundo. Ang bawat isa sa kanyang mga limampung estado ay may sariling mataas na level ng autonomya lokal na naaayon sa sistema ng federalismo. Ang isang mamamayan ng Estados Unidos ay karaniwang tinatawag na “Amerikano”.
Ang Timog Amerika ay isang kontinente na matatagpuan sa Kanlurang Hemispiro sa pagitan ng mga karagatang Pasipiko at Atlantiko.
Kadalasang tinutukoy bilang kabilang sa Amerika, katulad ng Hilagang Amerika, pinangalan ang Timog Amerika kay Amerigo Vespucci, na ang unang Europeo na nagmungkahi na ang Amerika ay hindi ang Silangang Indies, ngunit isang hindi pa natutuklasang Bagong Mundo.
May laki ang Timog Amerika ng of 17,840,000 kilometro kuadrado (6,890,000 milya kuadrado), o nasa 3.5% ng ibabaw ng Daigdig. Noong 2005, tinatayang nasa 371,000,000 ang populasyon nito. Pang-apat ang Timog Amerika sa laki (pagkatapos ng Asya, Aprika, at Hilagang Amerika) at panglima sa populasyon (pagkatapos ng Asya, Aprika, Europa, at Hilagang Amerika).
Ang Komonwelt ng Australya o Australya[1][2] (bigkas /o•stré•lya/) ay ang ikaanim na pinakamalaking bansa sa mundo, ang kaisa-isang bansa na sumasakop sa isang kontinente, at ang pinakamalaki sa rehiyon ng Australasia/Oceania. Kabilang din sa teritoryo nito ang ilang mga pulo, ang pinakamalaki dito ay ang Tasmania, na nagsisilbing isang estado ng Australia. Ang Australia ay isang federasyon at pinamamahalaan bilang parliamentary constitutional monarchy.
Kasama sa mga karatig bansa ng Australia ay ang Indonesia, East Timor, at Papua New Guinea sa hilaga, ang Pacific Islands sa hilagang-kanluran, at ang New Zealand sa timog-silangan.
Ang Oceania ay ang pangalan na ginagamit sa heograpiya para sa rehiyon na binubuo ng Australia, New Zealand, New Guinea, at iba pang mga islang bansa na paloob dito. Ang ibang tao ay tinatawag ang bahaging ito ng mundo bilang Australasia. Para sa iba, ito ay itunuturing kasama sa lupalop ng Australasia.
Ang Malayang Estado ng Papua New Ginea (internasyunal: Independent State of Papua New Guinea; di-pormal, Papua New Guinea o PNG) ay isang bansa sa Oceania, sinasakop ang silangang kalahati ng pulo ng Bagong Guinea at ilang mga panlabas na pulo (ang mga lalawigan ng Indonesia ng Papua at Kanlurang Irian Jaya (Irian Jaya Barat) ang sumasakop ng natitirang kalahati ng Bagong Guinea). Matatagpuan ito sa Karagatang Pasipiko, sa isang rehiyon na ikinahulugan noong ika-19 siglo bilang Melanesia. Port Moresby ang kapital at isa sa mga ilang pangunahing lungsod nito.
Ang Aprika[1] (Ingles: Africa), ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. May sukat na mga 30,244,050 km² (11,677,240 mi²) kasama ang mga karatig na mga pulo. Sa pangkalahatan, tinatawag na mga Aprikano (lalaki) at Aprikana (babae) ang mga naninirahan sa kontinente ng Aprika
Ang Silangang Aprika ay pinakasilangang rehiyon sa kontinente ng Aprika, na iba't iba ang kahulugan sa heograpiya o heopolitika. Sa Mga Nagkakaisang Bansa iskima ng mga heograpikong rehiyon, binubuo ng 19 na mga teritoryo ang Silangang Aprika:
• Kenya, Tanzania, at Uganda – kasapi din ng East African Community (EAC)
• Djibouti, Eritrea, Ethiopia, at Somalia – kadalasang pinapangalan din bilang Sungay ng Aprika
• Mozambique at Madagascar – bahagi minsan ng Katimogang Aprika
• Malawi, Zambia, at Zimbabwe – kadalasang kasama din sa Katimogang Aprika at Gitnang Pederasyon ng Aprika Central African Federation
• Burundi at Rwanda – bahagi minsa ng Gitnang Aprika
• Comoros, Mauritius, at Seychelles – maliliit na mga pulong bansa sa Karagatang Indyan
• Réunion at Mayotte – mga panlabas ng mga teritory ng Pransya na matatagpuan din sa Karagatang Indyan
Sa Mga Nagkakaisang Bansa iskima ng mga heograpikong rehiyon, binubuo ng limang bansa ang ang Katimogang Aprika:
• Botswana
• Lesotho
• Namibia
• South Africa
• Swaziland
Kadalasan din sa rehiyon ang mga sumusunod na mga teritoryo:
• Angola – kabilang din sa Gitnang Aprika
• Mozambique at Madagascar – kabilang din sa Silangang Aprika
• Malawi, Zambia, at Zimbabwe – minsan na sinasama sa Katimogang Aprika at dati sa Central African Federation
• Comoros, Mauritius, Seychelles, Mayotte, at Réunion – mga malilit na mga pulong teritoryo sa Karagatang Indyan silangan ng pangunahing lupain ng Aprika.
Ang Antartiko[1] (Ingles: Antarctica, mula Griyego Ανταρκτική, salungat ng Artiko) ay isang kontinente na pinapalibutan ng Katimogang Dulo ng Daigdig. Ito ang pinakamalamig ng lugar sa daigdig at halos natatakluban ng yelo ang kabuuan nito. Hindi dapat ipagkamali sa Artiko, na matatagpuan sa salungat na bahagi ng planeta na malapit sa Hilagang Dulo ng Mundo.
Bagaman mababakas noong unang panahon ang mga alamat at hinala tungkol sa isang Terra Australis ("Katimugang Lupain"), naganap noong 1820 ang unang karaniwang tinatanggap na pagkita ng kontinente at noong 1821 ang unang napatunayang paglapag ng isang Rusong ekspedisyon nina Mikhail Lazarev at Fabian Gottlieb von Bellingshausen. Gayon man, isang mapa ni Admiral Piri Reis noong 1513 ang naglalaman ng isang katimogang kontinente na mayroong posibleng pagkahawig sa pampang sa Antarctica. (Tignan din Kasaysayan ng Antarctica.)
Sa isang lawak na 13,200,000 km², panglimang pinakamalaking kontinente ang Antarctica, pagkatapos ng Eurasya, Aprika, Hilagang Amerika, at Timog Amerika. Gayon man, ito ang may pinakamaliit na populasyon: tunay nga, wala itong pampalagiang populasyon. Ito rin ang kontinente na may pinakamataas na karaniwang altitud, at ang pinakamababang na humedad sa kahit anong kontinente sa Daigdig, gayon din ang pinakamababang karaniwang temperatura.
This entry was posted
on Saturday, January 3, 2009
at 2:07 AM
and is filed under
africa,
amerika,
antarctica,
asya,
australia,
europa,
kontinente,
north,
south
. You can follow any responses to this entry through the
comments feed
.