by: Kit Levi Servan
Habilis At Erectus: Ang ‘Mala-Tao’ At ‘Halos Tao Na’
The Theory of Evolution: The Hominids
PUTÓL-PUTÓL at pabiglâ-biglâ man, nababakás rin namán ang landás ng Pagbabago (Evolution) mulâ sa mga unang unggóy na mala-tao (australopithecus) hanggáng sa mga kasalukuyang tao (modern humans). Ang paglakí ng utak at katawan. Ang pagliít ng ipin. Ang pagkinis at pagnipís ng mga butó. Ang pagdami ng mga gamit (tools) at pagkabihasà sa paggawâ at paggamit ng mga itó. Sa kabilâ nitó, hindî malinaw kung saán natapos ang hulíng bakulaw at nagsimulâ ang unang tao. Pinagtatalunan pa ang sangá, punò at dulo mulâ bakulaw hanggáng tao, ang kamag-anakán (phylogeny, family tree) ng sangkatauhan (humanity).
Ang mga ‘Homonid’ namán, kaibá pa rin subalit maituturing nang halos-tao. Anak-anakán ba silá sa ‘Afarensis’ o ng ‘Africanus’? O ng ibáng ‘Australopithecus’ na hindî pa natutuklás? Maaarì, batay sa untî ng katibayang naipon, na walâ kahit isá sa mga kilaláng unggóy na mala-tao ang ninunò natin. Marami pang naungkát na mga kalansáy nitóng nakaraáng 10 taón. Sa ngayón, baha-bahagì ng mahigít 1,000 nilaláng - bakulaw, mala-tao, at tao - ang natuklás na. Ang ibáng bagong-hukay ay maniwaring mga tanging kaurián (species) - hindî pa napapag-ayunan. Hindî pa rin mawarì kung may ugnáy silá sa tao o walâ. Sang-ayon halos lahát na ang ‘Robustus’ at ang mga katulad o kamag-anak na ‘Boisei’ at ‘Aethiopicus’ ay waláng ugnáy sa tao, isáng sangá ng kamag-anakán na naputol at naglahò nang waláng sumunód (extinct). Subalit hindî pa malinaw kung ang mga natuklasáng halos-tao gaya ng Java Man at ng Neandertal ay may ugnáy sa kasalukuyang tao o, gaya ng sawíng ‘Robustus,’ silá ay mga sangá-sangáng naglahò nang waláng katuturán.