Pinagmulan ng Daigdig  

Posted by hekasi-naman in , , , ,


by: Allyza Kibranza Crisostomo



Ang Pinagmulan ng Daigdig
Noong ika-18 siglo napagtanto ni James Hutton na matanda na ang planetang ating tinitirahan. Ngunit, gaano nga ba ito katanda? Dahil na nga samga makabagong teknolohiya, ang mga dalubhasa sa agham ng heolohiya ay naitala ang mga makasaysayang mga pangyayari sa daigdig. Ang heyolohiya ang ay pag-aaral ng daigdig, ang balat ng lupa, mga bato at labi ng mga halaman at hayop. Pangunahing layunin nito ay ilahad ang samu’t saring mga kaganapan sa ating planeta. Ang isa sa mga maalagang kontribusyon ng heologo ay ang geologic time scale, ito ay binuo parab ilagay sa angkop na perspektibo ang mga pangyayari sa nagdaang milyong taon. May tatlong pananaw ang mga tao kung saan nga ba nagmula ang daigdig ang una ay ang Relihiyosong paniniwala, sumunod ay ayon sa mga Alamat at Mito at ang huli ay batay sa agham.

Ang Pinagmulan ng Daigdig ayon sa Relihiyosong Pananaw

Sinasabing may 19 na pangunahing relihiyon sa daigdig na pwede pang hatiin sa 270 sangay at libu-libong maliliit pa, kaya naman hindi maipagkaila na may halos 500 salaysay at paniniwala tungkol sa pinagmulan ng daigdig.

♥Origin Belief- paniniwala tungkol sa nabanggit na paksa.
♥Creationism- lahat ng bagay ay nilikha ng Diyos.
-Ito ay tumutugma sa aklat ng Genesis(Jews at Kristiyano) at Qur’an(Muslim.

Pinaniniwalaan ginawa ng Diyos ang kalawakan sa loob lamang ng anim na araw magkakasunod halos makalipas ang halos 10,000 ayos mismo sa libro ng Genesis.

♥Animism- pagsamba sa espiritung naninirahan sa kalikasan.
- nauukol sa isang diyosa at dakilang ina na umati sa katubigan at pagkatapos’y nilikha ang langit at ang lupa.
♥Monotheism- Paniniwala lamang ng isang Diyos.

Noong 1650, si James Ussher ay nagpahayag ng paglikha na nagnap noong 4004 Before the Common Era o B.C.E , ito ay ginawang mas tiyak ni Dr. John Lightfoot. Ayon sa kanya, ang paglikha ng daigdig ay baganap noong mismong ika-23 ng Oktubre sa ganap na ikasiyam ngb umaga. Ibig sabihin nito, kung susuriing mabuti ang kalkulasyong Ussher-Lightfoot, ang edad ng mundo ay nasa 6,000 taon pa lamang.
Mayroon namang nagtagpuang mga fossils na tumataliwas sa kaisipang ito, ngunit noong ika-18 siglo ay tinangkang sagutin ang isyung ito ng Diluvial Theory na kung saan ang mga nakita daw na mga fossils ay walang iba kundi ang mga labi ng mga hayop na nangamatay dahil sa malaking pagbaha noong panahon ni Noah sa The Great Flood, ngunit marami paring mga agam-agam ukol sa teoryang ito.
Noong ika-19 na siglo, tinalakay ni George Cuvier na nagkaroon ng maraming serye ang paglikha ang Diyos dahil sa mga kalamidad. Sa pagpanaw ni Cuvier ay may isigawang ilang kalkulasyon kung ilang serye nga ba ang naganap na paglikha. May ilang nagsasabing may 27magkakasunod na paglikha samantalang may ibang 32 seryeng paglikha.

Ang Pinagmulan ng Mundo ayon sa Alamat o Mito
Marami ring mga haka-haka o alamat at mito tungkol sa pinagmulan ng daigdig... ilan dito ay ang mga ito:
Ayon sa mga Negrito, may isang alamat kung saan nagmula at kung paano nagkaroon ng mga unang tao sa Pilipinas. Ganito ang buod ng isang bersyon ng kuwentong ito: Matapos awayin ng isang ibong lawin ang diyos na panginoon ng karagatan, lumapag ito sa isang pulo upang makapagpahinga. Habang namamahinga, namataan niya ang isang matayog at malaking puno ng kawayan na kaniyang tinuka ng maraming ulit. Dahil sa pagtutukang ito, nabiyak ang puno ng kawayan. Sa pagbiyak na ito, lumabas mula sa kawayan ang unang lalaki at babae. Malakas ang pangalan ng lalaki, habang Maganda naman ang naging tawag sa babae. Kung pagbabatayan ang alamat na ito, sina Malakas at Maganda ang mga unang taong namuhay sa Pilipinas.[1]

“Nakakalungkot naman dito sa daigdig! Ano kaya ang mabuti kong gawin?” wika ni Bathala na noo’y nag-iisa pa lamang namumuhay sa daigdig.

Nilikha ni Bathala ang mga ibon. Isa, dalawa, hanggang nagkaroon ng maraming ibon. “Twit... twit... twit,” ang huni ng mga ibon. Tuwang-tuwa si Bathala.

Hindi nagtagal ay muling nakaramdam ng pagkabagot si Bathala. Naisipan naman niyang gumawa ng mga hayop. “Mee... me... me...,” sabi ng kambing.

“Unga... unga... unga...,” wika ng baka.

“Anong gandang pakinggan ng himig ng mga hayop!: wika ni Bathala.

Nang lumaon ay naisipan niyang lumikha ng tao. “Kailangang lumikha ako ng taong makakausap,” sabi ni Bathala.

Kumuha siya ng luwad. Hinubog niya ito na kawangis niya saka niluto sa hurnuhan. Hindi napakali sa kalalabasan ng kanyang niluluto, kaagad na hinango ito ni Bathala. Anupat naging maputla ang kulay nito. Ito ang pinagmulan ng lahing Puti.

Muli siyang kumuha ng luwa. Hinubog niya ito na kawangis niya saka isinalang sa pugon. Hindi minadali ni Bathala ang pagluluto dahil nais niyang magkakulay ito. Ngunit may katagalan bago niya nahango kaya’t naging itim ang kulay. Ito ang pinagmulan ng lahing Itim.

Muling humubog si Bathala ng luwad. Niluto niya iyon sa pugon. Palibhasa’y pangatlong pagsubok na ito kaya siya’y naging maingat. “Mga anak, halina nga kayo. Samahan ninyo akong bantayan itong niluluto ko,” sabi ni Bathala sa mga nauna niyang nilikha. Tama sa oras ang pagkakahango niya ng ikatlong tao sa pugon kaya hustong-husto ang pagkakaluto nito. Kayumanggi ang naging kulay nito, na pinagmulan ng lahing Filipino.
Ang ikalawang halimbawa ay ang pinagmulan naman daw ng mga Pilipino.

Ang Pinagmulan ng Daigdig Ayon sa Paliwanag ng Agham

Dahil sa kaayusan ng solar system, naniniwala ang ibang astronomo na ang ng bahagi nito ay sabay-sabay na nabuo buhat sa magkakaparehong primordial material. Na binubuo ng 80% Hydrogen, 15% Helium at 5% na mabigat na elemento. Ang paliwanag na ito ay tinawag na Nebular Hypothesis na ipinanukala ni Immanuel Kant noong 1955 at isang kahalintulad na model ang ipinahayag ni Pierre-Simon noong 1796.
Ayon naman sa Capture Theory ni James Jeans, sa pagdaan ng isang napakalaking protostar sa araw, nagdulot ito ng napakatinding epekto ng pag-alon sa mismong araw at solar disruption sa araw. Ang pwersa ng alon ay nagdulot ng pagkatanggal ng ilang mga materyales mula sa araw sa hugis na filament, na nagkahati-hati at nagpira-piraso na tila mga bula. Nagipin-ipon ang mga bulang ito upang makabuo ng tinatawag na mga protoplanet. Ayon yon ditto ang mga planeta ay nabuo ,ula sa pangyayaring ito.
Isa pang teyorya ay ang Big Bang Theory. Ayon dito ang kalawakan ay umusbong sa napakainit at napakasiksik na kalagayan. Nagmula din daw ang lahat ng galaxy sa isang punto. Ang isang puntong ito ay sumabog at abilisang kumalat. Ang teyoryang ito napag-aralan na ng ilang siyentista kanilang na sina Georges Lemaitre at Carl Wilhem Wirtz.
Kilala su Fred Hoyle sa pagapanukala ng katunggali ng Big Bang Theory. Ayon dito, panibagong sangkap ang nabubuo habang patuloy na lmalayo ang mga galaxy sa isa’t isa. Sa modelong ito, ang klagayan ng kalawakan a magakahalintulad anumang yugto ng panahon.